You are viewing [info]kayesl's journal

UP Grads: Read This!!

kayela
repost:
http://mikersindahawz.multiply.com/journal/item/11/Paying_It_Back_for_Mang_Meliton_a.k.a_Mang_Milton

Merry Christmas!!

Guest cards from Robert & Kaye's wedding

kayela

Ela's Caricature

kayela
I just want to share a scanned copy of Ela's caricature.
This was done by an artist in Gary (baby ni Marty & Joy)'s birthday party.
This is just so cute and so Ela-like!!


Neglected

kayela
Yes, this blog is so neglected. :(
I already have too much blogs and can't even post on some of them.
Hope to find time and find a theme for this blog next month.

Charice is again on Oprah

kayela
Please watch the video compilation from chuvaness.com

I will just post here the teaser.  I just watched the first part (coz i cant watch too much youtube here in the office, babagal ang network namin. dedo ako)

I want these Hoodies!!!

kayela

Please help me find one - NOW!!

Eraserheads: The Reunion Concert

kayela
kung contact kita sa ym, matatandaang ilang buwan na ang nakaka-raan, ganito ang aking status: "sana mag-concert ang eraserheads". para sa akin makukumpleto lamang ang UP centennial celebration kung mag-perform ulit ang eheads. isa sila sa makabagong icon ng unibersidad namin.
kaya naman sobrang tuwa ko nang malaman kong magc-concert na sila. sa wakas! ang matagal na naming pinakahihintay.
super fan kami ni hubby ng eheads. siguro yung panahon namin sa UP ang kanilang kasikatan. theme song namin noon ang tuwing umuulan at kapiling ka kasi laging umuulan pag naglalakad kami sa UP hehehe.

5pm pa lang nandon na kami ni little big brother. sayang at nasa singapore si hubby - sya sana ang kasama ko. maaga kami kasi 1st come 1st serve sya, we want to have a good view (not necessarily good seats kasi tayo lang lahat). matagal-tagal din kaming nag-intay pero ayos lang. may fone at psp namang libangan. nakaka-aliw ding tingnan ang mga dumadating at ang pag-ayos ng stage.
around 8:10 may lumabas nang countdown - 10mins na lang!! kaka-excite lalo. kanya-kanyang nang pwesto ang mga tao. malayo ang stage, hindi talaga sila makikita pero ayos lang. marinig lang ang tinig ni ely solve na.
alapaap ang una  nilang kinanta.  waaaahhh!!! para talaga kaming nasa langit. hindi ako makapaniwala. gusto kong maiyak!! sumunod na kanta ay ligaya. lahat puno ng energy at nakikisabay sa kanta. sobrang saya.
next sembreak. waaahhh!!! pinapakita pa ang UP/AS sa video background. nagsusumigaw ako ng UP!!! hay... brings back good memories. nung panahon namin pinakamarami ang pumupunta kung Eheads ang isa sa mga magpe-perform sa UP fair. dito lang kasi sulit ang bayad. hehehe. syempre tulad ng iba meron din akong tape ng kahit isa sa mga album nila - cutterpillow ang binili ko noon.
di ko na ik-kwento isa-isa ang mga kanta.  basta lahat maganda. bawat kantang susunod ay kapana-panabik. bawat kanta sulit. hanggang mag-break sila. sabi sa sumunod na countdown 20mins break. ok lang. para makahinga din naman sila. super energetic ng performance. bigay todo ang fab4. kita din namang nag-e-enjoy sila sa pag-perform. pero bago may break may isang picture na tumatak sa isip ko. si ela napa-upo, nag-lean sa gitara nya. kitang pagod na. sa buong 1st set hindi ko sya nakitang uminom man lang ng isang lagok ng tubig. si raimund makikita sa monitor na umiinom ng tubig pagkatapos ng isang kanta. pero si ely hindi. tuloy-tuloy sya. pahinga lang yung magpalit ng gitara.
after 5mins sa countdown, nawala yung monitor. ok lng. pero lumampas na ang 20mins wala pa din yung monitor, parang wala pang aksyon sa stage. may mga sumisigaw na na ibalik ang countdown. pero wala. after more than 30mins nakita nang lumabas si raimund kasunod ng ibang band members. pero imbes na sa mga instrumento nila sila pumunta, sa harap ng stage sila tumungo. nagsalita - humiling na manahimik at makinig. pinakilala ang kapatid ni ely. eto na ang aking kinatatakutan. hindi kinaya ni ely ang buong concert. pagod na sya - exhausted - and was rushed to the hospital. so sad. wawa naman si ely. nalungkot ang lahat pero after ng speech ng kapatid ni ely pumalakpak ako - para pasalamatan sila sa isang napakagandang concert. napagbigyan ang kahilingan ng ilang tulad ko. bitin, marami pang gusto kong kanta ang hindi na-perform. pero ok lng. understandable.
overall masaya at magaling pa din ang concert. sobrang sulit ang 1300++ na binayad ko. dati nga sa daydream ko willing akong magbayad ng 6k or 7k para lang sa concert nila. ito talaga pagkakagastusan ko. kasi sobrang gusto namin ito eh. sana may part2. kung kelan man yon, iintayin ko.

maraming salamat eheads. hanggang sa muli nating pagkikita. patuloy pa din kaming aasa na sana mabuo muli ang inyong banda.

pagaling ka ely.

iPhone is coming

kayela
http://iphone3g.globe.com.ph/i/i?id=2256650
Pero pagkamahal naman! Sabi nga ng opismeyt ko, have to sell a kidney just to buy this. hahaha.
Isip-isip... do i want this? is it worth it?
ikaw, whatdyatink?

UP Survey

kayela
Grabbed from Lyra

1. ANONG STUDENT NUMBER MO?
94-44298

2. NAKAPASA KA BA OR WAITLISTED?
Pasado

3. PAANO MO NALAMAN ANG ENTRANCE EXAM RESULT?
Sabi ng mga kaklase ko nakapasa daw ako. Tapos pinuntahan namin sa UPLB on the way pagsundo namin sa Daddy ko sa airport. Regalo ko sa kanyang pagdating ang pagpasa ko sa UP. :)

4. ANO ANG FIRST CHOICE MO NA COURSE?
B Computer Science, Diliman

5. SECOND CHOICE?
BS Math, Diliman

May 3rd and 4th choices pa nga nun eh. Ito yata UPLB na pinili ko.

6. ANO COURSE MO NA NATAPOS?
B CompSci

7. NAG-SHIFT KA BA?
Hindi.

8. CHINITO/CHINITA KA BA?
Hindi den.

9. NAKAPAG-DORM KA BA?
Yup. Kalayaan (1st yr), Molave (1st yr summer), Sampaguita (2nd-4th yr)

10. NAKA UNO KA BA?
Fortunately, OO.  Pero isa lang. hahaha

11. NAGKA-3?

Naku, madami! Too many to mention. hahaha

12. LAGI KA BANG PUMAPASOK SA KLASE?
As much as possible, oo. Mas boring kasing mag-stay lang sa dorm eh.

13. MAY SCHOLARSHIP KA BA?
Iskolar ng bayan nga eh. :P   Pero iskolar ako ng magulang ko. Fortunately, nagamit ko pa yung CAP ko noon so nakatipid sila sa matrikula.

14. ILANG UNITS NA ANG NAIPASA MO?
Lahat. Graduate po.

15. NANGARAP KA BA NA MAG- CUM LAUDE?
Naku, malayo sa aking pangarap yan. Di ko nga inakalang makakapasa ako ng UP eh.

16. KELAN KA NAGTAPOS?
May 1998. Summer ako gumradweyt

17. FAVE PROF
Si Prof Q. Hindi ka, UPCS kung di ka dumaan sa kanya.

18. WORST TEACHER:
Si Grace. Never really liked her (sorry).

19. FAVE SUBJECT:
Math. Kahit mahirap ang Math 50 series.

20. WORST SUBJECT:
Physics. Pahirap talaga.

21. FAVE BUILDING:
Melchor Hall (Eng'g)

22. PABORITONG KAINAN:
CASAA, Ala Cart, Baroques, Lutong Bahay, Rodics

23. NONG ESTUDYANTE KA PA MAGKANO BA ANG BINABAYAD MO SA JEEP?
P1.25 yata ang Ikot nung 1st yr ako.

24. LAGI KA BA SA LIBRARY?
Malamig sa library. At saka tahimik. Masarap matulog, lalong lalo na pag umuulan...

25. NAGPUNTA KA BA SA CLINIC NUN?
Ssa Infir-matay? Oo, para dalawin yung kaibigan namin

26. MAY CRUSH KA BA SA CAMPUS?
Tinatanong pa ba yan. Syempre naman!

27. ANU-ANO ANG MGA NAGING PE MO?
PE1 (oo, nag-PE1 ako... di ko alam na pede na palang hindi eh...), Phil Games, Badminton, Basketball (na dinrop ko), Judo (na muntik na akong mag-pass out)

28. KAMUSTA NAMAN ANG BLOCK NYO?
Masaya! Close pa din hanggang ngayon.

29. MEMORIZE MO BA ANG ALMA MATER SONG?
(singing in my head) Oo. Epekto siguro ng palaging pag-daan sa AS tuwing umaga.

30. MEMBER KA BA NG VARSITY TEAM?
Hindi ako sporty

31. NAKA-PERFECT KA NA BA NG EXAM?
Malamang sa hindi. :P

32. DITO KA BA NATUTONG UMINOM NG BEER?
Hindi.


Masaya ang aking UP days. I'll forever cherish this. Wala akong org o iba pang asosasyon. Kami-kami lang magkakaklase ang palaging magkasama pero enjoy naman. Dito naging "kami" ni hubby at madami din kaming mga naging kaibigan na hanggang ngayon ay mga tunay na kaibigan pa din.  Yun nga lamang dahil sa busy sa mga trabaho, madalang na ang maka-gimik kami. Ang ilan din sa amin ay nangibang-bansa na. Nakaka-miss ang UP days. Sana may masipag na batchmat ang mag-organize ng reunion. 10yrs na din ang nakalipas mula nang iwan ang unibersidad.